Wednesday, October 31, 2007

Masarap pala talagang...

by: KULASA aka Gege

masarap pala talagang...
masarap pala talagang kumain ng sinigang na baboy na nag-iisa,matulog sa gabi nang walang katabi,pumunta sa mall na walang kasama,manuod ng nakakarelax na sine at walang kahati sa popcorn na flavored cheese,pumunta sa ukayan na walang ka-holding hands,kumain sa karinderya jan sa avenida,maglakad sa quiapo at maghanap ng kung anu-ano,pumunta sa mga okasyon ng mga kaibigan na lahat sila me partner, kumain sa jollibee ng chicken joy, sa greenwhich ng spaghetti,mag-withdraw ng pera sa atm, bumili ng yosi sa breadwinner, magyosi mag-isa,kumain ng ice buko, mag-softdrinks,mamalengke jan sa talipapa,sumakay ng jeep nang walang kausap,makinig sa mga awitin ni bob marley,makitulog sa bahay ng may bahay, kumain ng halo-halo,magluto ng piniritong isda na hindi dumidikit sa kawali,pumunta sa mob na mag-isa,bumili ng isang mineral water at kumain ng lumpia na akala mo karne ang laman gulay pala,sumakay sa kotse ng may kotse,pumunta sa pampanga,walang ka-share sa payong,kumain ng pancit canton na sobrang anghang na ang kapartner ay skyflakes,matulog mag-isa sa sobrang lakas ng ulan,manood ng dvd na binili lang jan sa tabi-tabi...at marami pang iba!
hay,masarap talagang mag-isa... pero masarap din talaga pag me kasama...

No comments: